Archive for June, 2005

Lumuluha ang bulsa ko

Thursday, June 30th, 2005

Abidream Sabi ni Mat, hindi ito ang tamang panahon para mangarap.

Pinapangarap ko na naman ang Sizzling Pork Sisig ng IhawOne. Kaso bitin na naman ang pera ko.Hindi nga yata ito ang tamang panahon. Maari nga.

Pero sa panahon na kailangan mo ng ngiti matapos ang saglit ng pagluha, hindi naman siguro masama ang tumakas. Kahit sandali lang.

Far Away

Thursday, June 23rd, 2005

FarawayMinsan, nararamdaman ko ang layo na namamagitan sa ating dalawa pero kanina lang yakap kita. Maikli lang ang sandali kaya binitiwan mo ako at pinahid ko ang luha. Hanggang sa nakaalis ka na.

Hindi na kita maabot.

on clouds

Wednesday, June 22nd, 2005

On_clouds_by_meladori Isang pagbati. Nanatiling palaisipan ang Friendster blog para sa akin. Malabo. Marami ang hindi puwedeng gawin.

Umuulan ngayon at wala akong payong. Gusto kong maglakad sa ibabaw ng ulap.